KJB

KJB

Thursday, August 15, 2013

Kasusweldo Pa Lang, Ubos Na?

 Kasusweldo Pa Lang, Ubos Na? 

By Vic Garcia

Sounds familiar? ‘Yan ang madalas nating naririnig sa ating mga kaopisina at kaibigan.  Kung minsan, nasasabi rin natin ‘yan.  May solusyon ba sa problemang ito? Sabi ng isang tao, “Malabo na ‘yan.  Sa hirap ng buhay ngayon, natural lang na mangyayari ‘yan sa maraming tao!” Pero mayroon pang mas malubha sa problemang ‘yan…

Hindi pa sumusweldo, ubos na!

Ang kadalasang solusyon ng maraming tao ay maghanap ng iba pang pagkakakitaan. Magandang solusyon ‘yan pero hindi ganoon kadaling humanap ng dagdag na kita.

Madalas, hanap tayo nang hanap kung paano madadagdagan ang ating kita pero gastos naman tayo nang gastos ng perang kinikita na natin.  Ibig sabihin, madagdagan man ang inyong kinikita, kulang pa rin kasi nadadagdagan din ang ating ginagastos. Sa totoo lang, sigurado kami, may binibili kayong pwede namang hindi bilhin. Ibig sabihin, kung hindi ninyo binili, may sobra sana o hindi na siguro kukulangin; o kung kulangin man ay mas kaunti na lang.

 
At dahil nga binili ninyo, kinulang kayo. At ‘pag kinulang kayo, ano ang kadalasang solusyon? ‘Di mangutang. Ok sana kung walang tubo ang inutang. Ang problema, mahirap nang mangutang ngayon ng walang tubo o interest. Ano ngayon ang mangyayari? Mas dumadami ang problema ninyo sa pera. Ngayon, hindi lang kayo kulang sa panggastos, mangangailangan pa kayo at maghahanap ng pambayad ng interest na kapag hindi ninyo nabayaran sa tamang panahon ay lalo pang darami ang problema ninyo. Siguro ang tanong ninyo, “Ano ang dapat gawin?” Sa librong ito ay ituturo namin sa inyo ang mga  paraan para solusyonan ang problemang ito.

Why We Have Money Problems

Think about this…

Tanong : Kung hindi ka bumili nang hindi mo dapat bilhin, kakapusin ka ba?
Sagot : Hindi.
Tanong : Mangungutang ka ba?
Sagot : Hindi.
Tanong : Kailangan mo pa bang magbayad ng interest?
Sagot : Hindi na rin. (Wala ka kasing utang)
Tanong : Mamomroblema ka pa ba sa pera?
Sagot : Hindi, hindi, hindi!

“Money SAVED is Money EARNED.”

So, ano ang simpleng dapat gawin para hindi na mangyari ang “Kasusweldo pa lang, Ubos na?” Magbawas ng gastos. Sabi ng isa naming participant sa seminar, “Paano ako magbabawas ng gastos, eh, sagad na talaga? Kulang talaga.” Ang sabi namin, “Ok. Pakisagot ang mga sumusunod na katanungan…”

Think about this…
  • Nakakapag-mirienda ka pa ba?
  • Nakakapag-softdrinks ka pa ba?
  • Nakakapag-text ka pa ba?
  • Nakakapag-yosi ka pa ba?
  • Nakaiinom ka pa ba ng alak?
  • Nakakapag-lotto ka pa ba?
Kung sumagot ka ng “Oo” sa kahit isa sa aming mga tanong, we have a good news for you. Malamang, hindi pa kayo sagad. Akala n’yo lang ‘yun.
In this series of articles, we will teach you…
  • 50 ways on how to reduce your expenses by at least 30%
  • VFG Technique
  • Tough Love Technique
  • 3-Jar Technique
  • Privilege Spending
  • How to teach your children in managing their money
  • How to get out of debt and stay out of debt
At maraming pang iba…
In our journey in life, we believe that:
“…the Lord your God will bless you as he has promised, and you will lend to many nations but will borrow from none. You will rule over many nations but none will rule over you.” (NIV) Deuteronomy 15:6 

 
Check the price @ kingjbookstore.sulit.com.ph

(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kasusweldo pa lang ubos na?” available in King J Bookstore and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH(8653274) or 6640892, 6320148 local 8002-8003.)
Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs. 
Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.
 Jay-R Diaz together with the author of the book Vic and Avelynn Garcia

Other Books of Vic and Avelynn Garcia that are available @ King J Bookstore :