
Sa mga Pilipinong mahilig mag one day millionaire, ang Kurot Principle ay para sa inyo. Napakagandang prinsipyo, kaya basahin ninyo at siguradong mapapangiti kayo sa article na ito.
Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang
ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you
a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong
mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone?
Puwede, kasi yung P1,000, kurot lang ‘yon sa kanyang savings.
May pangalawang taong balak bumili
ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa
bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? Dakot na ‘yun!
Dinakot lahat ang pera niya!
May pangatlong tao, balak bumili ng
cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya.
Bumili siya. Anong tawag ‘dun? Utang na ‘yun!
Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang
ginagamit mo sa buhay mo? Kurot, dakot, o utang?
Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo
naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating
umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may
bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito,
pangako, yayaman ka.
Pag-aralan nating muli ang mga
pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang
gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan
kita…
Pinoy vs. Chinoy Businessman
May dalawang negosyanteng nagsimula
ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay
P100,000.
Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng
P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000.
Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.
So magkano na ngayon ang puhunan ni
Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone.
Ang ganda!
Ituloy natin. After a few months,
maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may
P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si
Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan
niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!
A few months later pa, ang Pinoy
kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin?
Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may
P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan
niya? P310,000!
Buwan-buwan, si Pinoy kumikita.
Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy,
buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya.
One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he
approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1
million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng
supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional
5% discount!”
Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi
naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang
customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa
ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.
It just so happened na magkatabi ang
tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given
the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang
mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang
produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng
P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa
ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay
ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na
murang-mura lang!
After a few months, mauubos din ang
P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment
niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy.
Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano
niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano
ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang
kuwento ng bansang Pilipinas!
Naalala mo pa ba noong araw, mas
mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang
problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!
Mayroon kaming naging participant
before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a
BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili
niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang
‘yun! Nandiyan ka pa ba?
Isang Kahig, Isang Tuka
Saan ka makakakita ng mga taong
isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng
makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may
makikita ka.
What do I mean? Kapag hindi ka
sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit
card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng
matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!
Ang mga Chinoy, kahit hindi muna
kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago,
kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon,
tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong
tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit
matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60
years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon,
kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng
kaunti.
Ang pinakamasakit sa lahat ay
ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why?
Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan
mo sa bisyo.
Tanong: Masama ba’ng bumili ng
mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong
naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang
niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not
important. What’s more important is what is happening to you.
The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make
it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and
work with your hands, just as we told you.”
(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo? available in King J Bookstore and Computer Accessories and other leading bookstores nationwide.
(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo? available in King J Bookstore and Computer Accessories and other leading bookstores nationwide.
Check the price of this book at King J Bookstore